
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Podcast de Driven By The Gospel
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Empieza 7 días de prueba
$99.00 / mes después de la prueba.Cancela cuando quieras.
Todos los episodios
163 episodios
Ang Kalayaan ng Biyaya Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. (Efeso 2:4–6 MBBTAG) Ito ang mahalagang ginawa ng Diyos para sa ating pagbabagong-buhay: “tayo’y binuhay niyang kasama ni Cristo” kahit na “noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway.” Sa madaling salita, tpatay tayo sa Diyos. Hindi tayo tumutugon; wala tayong tunay na panlasang espirituwal o interes dito; wala tayong espiritwal na mata para sa kagandahan ni Kristo; patay lang talaga tayo sa lahat ng bagay na tunay na mahalaga. Pagkatapos, kumilos ang Diyos—nang walang kondisyon—bago pa man tayo makagawa ng anumang bagay upang maging karapat-dapat na sisidlan ng Kanyang presensya. Binuhay Niya tayo. Ginising Niya tayo mula sa pagkakatulog ng espiritwal na kamatayan, upang makita ang kaluwalhatian ni Kristo (2 Corinto 4:4). Ang mga patay na pandamang espiritwal ay himalang nabuhay. Sinasabi sa Efeso 2:4 na isa itong gawain ng “awa.” Ibig sabihin, nakita tayo ng Diyos sa ating pagkamatay at naawa Siya sa atin. Nakita ng Diyos ang kakila-kilabot na kabayaran ng kasalanan na humahantong sa walang hanggang kamatayan at pagdurusa. “Ang Diyos, na sagana sa awa . . . ay binigyan tayo ng buhay.” At ang yaman ng Kanyang awa ay umapaw sa atin sa ating pangangailangan. Ngunit ang kapansin-pansin sa tekstong ito ay ang pagputol ni Pablo sa daloy ng kanyang sariling pangungusap upang isingit, “sa pamamagitan ng biyaya ay naligtas ka.” “Binuhay tayo [ng Diyos] kasama si Kristo—sa pamamagitan ng biyaya ay naligtas ka— at itinaas tayo kasama niya.” Uulitin ito ni Pablo sa talata 8. Kung gayon, bakit pa niya pinutol ang daloy ng kanyang sariling pangungusap upang idagdag ito dito? Heto pa pa, nakapokus ang pangugusap sa awa ng Diyos na tumutugon sa ating kaawa-awang kalagayan ng kamatayan; kaya bakit sinadya ni Pablo na banggitin na sa pamamagitan rin ng biyaya kaya tayo ay naligtas? Sa tingin ko, nakita ni Pablo isa itong perpektong pagkakataon upang bigyang-diin ang kalayaan ng biyaya. Habang inilalarawan niya ang ating patay na kondisyon bago ang pagbabagong-buhay, napagtanto niya na ang patay na mga tao ay hindi makakatugon sa mga kondisyong ito. Kung sila ay mabubuhay, dapat mayroong walang kondisyon at lubos na malayang gawain ng Diyos upang iligtas sila. Ang kalayaang ito ang mismong puso ng biyaya. Ano pang gawain ang mas di-timbang ang kalayaan at di-napagkasunduan kaysa sa isang tao na binubuhay ang isa pa mula sa kamatayan! Ito ang kahulugan ng biyaya.

Ang Bintana ng Puso Alalahanin natin ang kanyang tinaglay na pasensya mula sa mga makasalanan na naging kalaban sa kanya, upang hindi tayo mapagod o magpatamlay. (Mga Hebreo 12:3) Isa sa mga kahanga-hangang kakayahan ng isipan ng tao ay ang kapasidad nitong magtakda ng sariling atensyon sa isang bagay na kanyang pinipili. Kaya nating tumigil at sabihin sa ating mga isipan, “Isipin mo ito, at hindi iyon.” Kaya nating ituon ang ating atensyon sa isang ideya, larawan, suliranin, o pag-asa. Isa itong kamangha-manghang kapangyarihan. Duda akong may ganito ang mga hayop. Malamang ay hindi nila kayang suriin ang kanilang sarili. Sinusundan lang nila ang kanilang mga udyok at instict. Napabayaan mo na ba ang napakamakapangyarihang armas na ito sa iyong pakikipaglaban sa kasalanan? Paulit-ulit tayong tinatawag ng Biblia na gamitin ang biyayang ito. Ilabas natin ang biyayang ito, pagpagin ang alikabok, at gamitin. Halimbawa, sinabi ni Pablo sa Roma 8:5–6, “Ang mga ayon sa laman ay nagsisikilala sa mga bagay ng laman, ngunit ang mga ayon sa Espiritu ay nagsisikilala sa mga bagay ng Espiritu. Sapagkat ang pag-iisip na nasa laman ay kamatayan, ngunit ang pag-iisip na nasa Espiritu ay buhay at kapayapaan" (aking pagsasalin). Kahanga-hanga ito. Ang iyong iniisip ay nagtatakda kung ito ay buhay o kamatayan. Marami sa atin ang naging masyadong pasibo sa ating paghahanap ng pagbabago, kaganapan, at kapayapaan. Sa palagay ko, sa ating panahon ng terapiya, nahulog na tayo sa pasibong pananaw ng simpleng “pagsasalaysay ng ating mga problema” o “pagharap sa ating mga isyu” o “pagtuklas ng mga ugat ng ating kahinaan sa pinagmulan nating pamilya.” Ngunit nakikita ko ang isang mas aktibo at hdi-pasibong paraan ng pagbabago sa Bagong Tipan. Ito’y ang pagtatakda ng iyong isipan. “Itakda ninyo ang inyong mga isip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa lupa” (Colosas 3:2). Ang ating damdamin ay pinamumunuan ng ating iniisip — kung ano ang namamahay sa ating mga isipan. Halimbawa, sinabihan tayo ni Jesus na labanan ang damdamin ng pag-aalala sa pamamagitan ng ating iniisip: “Isipin ninyo ang mga alitaptap . . . Isipin ninyo ang mga azucena” (Lucas 12:24, 27). Ang isipan ang bintana ng puso. Kung papabayaan nating palagi itong pamahayan ng kadiliman, mararamdaman ng puso ang kadiliman. Ngunit kung bubuksan natin ang bintana ng ating isipan sa liwanag, mararamdaman ng ang liwanag. Higit sa lahat, ang matinding kapasidad ng ating isipan na magpokus at mag-isip ay itinakda para sa alalahanin si Jesus (Mga Hebreo 12:3). Kaya’t gawin natin ito: “Alalahanin natin ang kanyang tinaglay na pasensya mula sa mga makasalanan na naging kalaban sa kanya, upang hindi tayo mapagod o magpatamlay.”

Ang mga Utos na Lumilikha At nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” (Efeso 5:14 MBBTAG) Nung inutusan ni Hesus si Lazaro na bumangon mula sa kanyang libingan, paano niya sinunod ang utos na ito? Sabi sa Juan 11:43, “Pagkasabi nito ay sumigaw Siya, ‘Lazaro, lumabas ka!’” Ito ang utos sa patay na tao. Sabi sa sumunod na talata, “Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa” (Juan 11:44). Paano ito nagawa ni Lazaro? Paano sumunod ang isang patay sa utos na siya’y muling mabubuhay? Ang sagot ay parang ganito: Ang utos ay may kaakibat na kapangyarihang lumikha ng isang bagong buhay. Ang pagsunod sa utos ay nangangahulugang paggawa kung ano man ang ginagawa ng mga tao. Napakahalaga nito. Ang utos ng Panginoon, “”bumangon ka mula sa libingan!” ay may kaakibat na kapangyarihan na kailangan nating sundin. Hindi natin ito sinusunod sa pamamagitan ng paglikha ng buhay. Sinusunod natin ito sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga buhay — lumabas si Lazarus. Bumangon siya. Lumakad siya papunta kay Hesus. Ang utos ng Diyos ay lumilikha ng buhay. Tumutugon tayo sa kapangyarihan ng kung ano ang kayang gawin ng Kanyang utos. Sinabi ni Pablo sa Efeso 5:14, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” Paano ka susunod sa isang utos na gumising sa iyong pagtulog? Kung ang iyong bahay ay may lason na carbon monoxide, at may sumisigaw, “Gising! Iligtas mo ang iyong sarili! Lumabas ka!” hindi ka sumusunod sa paggising sa sarili mo. Ang malakas at makapangyarihang utos mismo ang gumigising sa iyo. Sumusunod ka sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga taong nahaharap sa panganib. Tatayo ka’t aalis sa iyong bahay. Ang utos ang lumilikha ng paggising. Tumutugon ka sa kapangyarihan nilikha ng utos — ang pagmulat. Naniniwala ako na ito ang paliwanag kung bakit sinasabi ng Biblia ang mga bagay na paradoxical tungkol sa bagong kapanganakan; kumbaga, dapat tayong magkaroon ng bagong puso, ngunit ang Diyos lamang ang makababago ng ng puso natin. Halimbawa: Deuteronomio 10:16: “Kaya nga, maging masunurin kayo!” Deuteronomio 30:6 “Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso.” Ezekiel 18:31: “Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay.” Ezekiel 36:26a; “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.” Juan 3:7a; “Kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.” 1 Pedro 1:3: “Tayo’y binigyan Niya ng isang panibagong buhay.” Ang paraan ng pagsunod sa utos na ipanganak ay maranasan muna ang banal na kaloob ng buhay at hininga, at pagkatapos ay gawin ang ginagawa ng mga taong may buhay: malakas na tumawag sa Diyos nang may pananampalataya, pasasalamat, at pagmamahal. Kapag ang utos ng Diyos ay dumating kasama ng lumilikha’t nagpapabagong-loob na kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ito ay nagbibigay-buhay. At tayo’y naniniwala, nagagalak, at sumusunod.

Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa. (2 Corinto 9:8 MBBTAG) Alam natin na ang pananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos ang susi sa karanasan ng pagiging mapagbigay, dahil sa 2 Corinto, inilahad ni Pablo ang kahanga-hangang pangako na ito: “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa” (2 Corinto 9:8 MBBTAG). Sa madaling salita, kung gusto mong maging malaya mula sa pangangailangang mag-ipon ng pera, kung gusto mong umapaw sa kasaganaan (ng biyaya!) para sa bawat mabuting gawa, magtiwala ka sa hinaharap na biyaya. Magtiwala sa pangako na “ang Diyos ay may kakayahang gawing sagana sa iyo” sa bawat hinaharap na sandali para sa layuning ito. Tinawag ko ang pananampalataya sa hinaharap na biyaya bilang “susi sa karanasan” sa pagiging mapagbigay, upang hindi maitanggi na mayroon ding susi sa kasaysayan. May susi ng karanasan at susi ng kasaysayan. Sa pag-uusap tungkol sa biyayang natanggap nila, pinapaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto ang historikal na susi ng biyaya, “Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha” (2 Corinto 8:9 MBBTAG). Kung wala ang historikal na gawain ng biyaya, mananatiling sarado ang pintuan ng pagiging mapagbigay na nagpaparangal kay Cristo. Kailangang-kailangan ang nakaraang biyaya bilang susi ng pag-ibig. Ngunit pansinin kung paano gumagana ang nakaraang biyaya sa talatang ito. Ito ay ginawang pundasyon (naghirap si Cristo) ng hinaharap na biyaya (na tayo ay magiging mayaman). Kaya, ang historikal na susi sa ating pagiging mapagbigay ay gumagana sa pamamagitan ng paglalagay ng pundasyon sa ilalim ng susi sa karanasan ng pananampalataya sa hinaharap na biyaya. Kaya naman, ito ang susi sa karanasan sa pag-ibig at pagiging mapagbigay: Matatag mong ilagay ang iyong pananampalataya sa hinaharap na biyaya — na “ang Diyos ay may kakayahan (sa hinaharap) na gawing sagana sa iyo ang lahat ng (hinaharap na) biyaya” — upang matugunan ang iyong mga pangangailangan, at upang magkaroon ka ng kakayahan na umapaw sa pag-ibig ng pagiging mapagbigay. Ang kalayaan mula sa kasakiman ay nagmumula sa malalim at kasiya-siyangpananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos.

Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. (Pahayag 20:12 MBBTAG) Paano sa huling paghuhukom? Maaalala ba ang ating mga kasalanan? Mabubunyag ba ang mga ito? Ganito ang matalinong sabi ni Anthony Hoekema: “Ang mga pagkukulang at pagkakamali ng mga . . . mananampalataya . . . ay magiging bahagi ng larawan sa Araw ng Paghuhukom. Ngunit — at ito ang mahalagang punto — ang mga kasalanan at pagkukulang ng mga mananampalataya ay ipapakita sa paghuhukom bilang mga kasalanang napatawad na, mga salang lubusang natatakpan ng dugo ni Hesu-Kristo.” Isipin mo ito sa ganitong paraan. May talaan ang Diyos para sa bawat tao (ang “mga aklat” sa Pahayag 20:12). Lahat ng iyong ginawa o sinabi (Mateo 12:36) ay nakatala doon na may marka (mula sa “A” hanggang sa “F”). Kapag humarap ka sa “trono ng paghuhukom ni Kristo” (2 Corinto 5:10) upang hatulan “ayon sa [iyong] ginawa sa katawan, mabuti man o masama,” bubuksan ng Diyos ang iyong talaan at ilalabas ang mga pagsusulit na may marka. Ilalabas Niya lahat ng “F” at ilalagay sa isang bunton. Pagkatapos ay kukunin Niya lahat ng “D” at “C” at huhugutin ang mabubuting bahagi ng pagsusulit at ilalagay ang mga ito kasama ng mga “A,” saka ilalagay ang masasamang bahagi sa bunton ng “F.” Pagkatapos ay kukunin niya lahat ng “B” at “A” at tatanggalin ang masasamang bahagi nito at ilalagay sa bunton ng “F,” at ilalagay ang lahat ng mabubuting bahagi sa bunton ng “A.” Pagkatapos nito, bubuksan Niya ang isa pang talaan (“ang aklat ng buhay”) at makikita Niya rito ang iyong pangalan, dahil nasa kay Kristo ka sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa likod ng iyong pangalan ay may posporo na gawa sa krus ni Hesus. Kukunin Niya ang posporo, sisindihan ito, at susunugin ang bunton ng “F,” na naglalaman ng lahat ng iyong mga pagkakamali at kakulangan. Hindi ka nila hahatulan, at hindi ka nila bibigyan ng gantimpala. Pagkatapos, kukunin Niya mula sa iyong talaan sa “aklat ng buhay” ang isang selyadong sobre na may markang “libre at puno ng grasyang bonus: buhay!” at ilalagay ito sa bunton ng mga “A” (tingnan ang Marcos 4:24 at Lucas 6:38). Pagkatapos, itataas Niya ang buong bunton at idedeklara, “Sa pamamagitan nito ang iyong buhay ay nagpapatotoo sa biyaya ng Aking Ama, sa halaga ng Aking dugo, at sa bunga ng Aking Espiritu. Nagpapatotoo ang mga ito na ang iyong buhay ay walang hanggan. At ayon sa mga ito, tatanggap ka ng iyong mga gantimpala. Pumasok ka sa walang hanggang kagalakan ng iyong Panginoon.”
Empieza 7 días de prueba
$99.00 / mes después de la prueba.Cancela cuando quieras.
Podcasts exclusivos
Sin anuncios
Podcast gratuitos
Audiolibros
20 horas / mes