
Ang Bagong Daan ng Krus
Podcast door Awit at Papuri Communications
Tijdelijke aanbieding
3 maanden voor € 1,00
Daarna € 9,99 / maandElk moment opzegbaar.

Meer dan 1 miljoen luisteraars
Je zult van Podimo houden en je bent niet de enige
Rated 4.7 in the App Store
Over Ang Bagong Daan ng Krus
Awit at Papuri Communications
Alle afleveringen
16 afleveringen
Tanda ng Krus Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito ngayon upang pagnilayan ang iyong Misteryong Pampaskuwa, pagkalooban mo kaming lahat ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan tulad ng iyong ginawa, at gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa iyong halimbawa. Sa gayon, kami ay maaaring makibahagi hindi lamang sa iyong paghihirap, kundi maging sa iyo ring Muling Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan Pagbasa (1 Cor 11: 23-26) Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya. Panalangin Panginoong Hesus, minahal mo kami nang lubus-lubusan. Minahal mo kami hanggang sa katapusan. Ikaw ay nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain at inuming nagbibigay buhay na walang hanggan. Nananatili ka sa aming piling upang maging patuloy na palatandaan ng nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali ng aming buhay. Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali na kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong paghahandog sa amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan sa Banal na Eukaristiya. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Papuri…

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan Pagbasa (Lu 22: 39-45) Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati. Panalangin Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon. Ni isa sa iyong mga alagad ay nagkaroon ng lakas na samahana ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas mo ay ang iyong matibay na hangaring tuparin ang kalooban ng Ama, maging anuman ang halaga. Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging hanggang sa kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga walang kaibigan, ng mga walang tahanan, ng mga walang kinabukasan. Puno ang aming lipunan ng katulad nila, ngunit patuloy kaming nagkukunwaring walang malay at natutulog habang sila ay namamatay na biktima ng kapabayaan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Papuri…

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan Pagbasa (Mc 14: 60-64. 15: 1) Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang Mesisyas, ang Anak ng Kataas-taasan? “Ako nga,” sagot ni Hesus. “At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siya’y dumarating, nasa alapaap ng langit.” Winasak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi, “Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan. Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. Panalangin Panginoong Hesukristo, ikaw ang hukom ng sangkatauhan, ngunit tinanggap mong litisin ng mga hukom na di makatarungan. Ikaw ang pinakabanal, tanging walang sala sa daigdig, ngunit tiniis mo ang pagpaparatang ng mga sutil na makasalanan. Patuloy pa rin ang walang katarungang paglilitis na inuulit sa bawat di-makatarungnang paghatol kung saan pinarurusahan ang mga walang sala at pinalalaya ang may sala. Ikaw pa rin ang biktima ng ganitong kawalan-katarungan laban sa mga mahihina, mga walang lakas na ipagtanggol ang sarili at ang mga walang tinig sa lipunan. Sa kanila, patuloy kang nabubuhay at nagdurusa. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Papuri…

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan Pagbasa (Mt 27:22-30, passim) Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?” Suamgot ang lahat, “Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!” At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” Panalangin Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang malaking pulutong kaya’t ninais nilang ikaw’y ipapatay, mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na mahalagang panindigan ang katarungan at ipagtanggol ang iyong pagiging walang sala. Kaya’t nagtagumpay ang mga hibang. Gayundin naman ang mga kawal na Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong katawan at pinutungan ang iyong ulo ng koronang tinik at pag-aalipusta. Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong lahat iyon, tulad ng isang maamong tupang kakatayin; walang imik tulad ng milyun-milyong mga simpleng taong pinagsasamantalahan, inaapi ng mga halang ang kalooban, habang marami sa amin ang nagbubulag-bulagan sa harap ng walang pakundangang paglapastangan sa katarungan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Papuri…

Rated 4.7 in the App Store
Tijdelijke aanbieding
3 maanden voor € 1,00
Daarna € 9,99 / maandElk moment opzegbaar.
Exclusieve podcasts
Advertentievrij
Gratis podcasts
Luisterboeken
20 uur / maand