Ang Kasuklam-suklam na Pangwasak - Ang Makaunawa ay Umawana
Ang Kasuklam-suklam na Pangwasak — Ang Makaunawa ay Umunawa Ni Zeres Vitto
Taludtod I — Babilonia
Nang sinamba ng Israel ang araw, At berdad ay binalibas; Ang Sabbath ay kinalimutan, At tipan ay tinalikdan. Nilisan ng gloria ang templo, At tumigil sa burol; At nangwasak ang Babilonia,
Ayon sa langit.
Koro
Masdan at unawain, Mga tanda'y nauulit; Paghatol ay dumarating, Kapag utos ay tinatakwil.
Unawain ang tawag, Pagdating ng huling tanda; Sumibat patungo kay Kristo, Siya'y kanlungang malapit
Taludtod II — Panahon ni Kristo
Ang templo'y puno ng kalakal, Ngunit salat sa liwanag; 'Di nila dinggin ang Tinig ng Diyos, Ni lumakad sa tunay at tama.
Hinangad nila na patayin Ang Bugtong na Anak ng Diyos; “Naiwang wasak ang inyong templo,” Ang mapait na sabi ni Kristo.
Taludtod III — Roma (70 AD)
Nang dumating ang Romanong hukbo At kinubkob ang siyudad, Nakita ng tapat ang tanda At agad silang tumakas.
Walang napahamak ni isa Na sumunod sa salita; Sapagkat Roma ang nangwasak, Ayon sa babala ni Kristo.
Taludtod IV — Ang Patuloy na Kasuklamsuklam
May kapangyarihang nag-anyong banal, At inangkin nito, Ang tanging kay Kristo lamang— Tagapamagitan, Punong Pari.
Kautusa'y tinakluban, Ng kredo at tradisyon; Kawasakan ay bumagsak— Ngunit 'di pa ito tapos.
Taludtod V — Ang Huling Pagsubok
Nang ang hukbo'y nagsilbing tanda Para Kristiano'y tumakas, Ang mundo ri'y may huling hudyat, 'Pag ibinatas ang pagsamba.
Ang batas ng Diyos ay binalibas At Sabbath Niya'y tinanggihan; 'Pag Linggo'y ipinilit ng batas, Mahahayag ang mali't tama.
Tulay — Ang Huling Paninira
Kapag nagsara ang pinto ng awa, Wala nang Tagapamagitan— Sa pagtayo ni Kristo sa templo, Ang gawain Nya’y tapos na.
Hindi na maaaring magsisi Ang mga tumanggi; At mga salot ay babagsak Sa mundong ginusto ito.
Napuno ng husga ang templo, Wala nang Namamagitan; At mga salot na walang awa Ay ibubuhos sa mga tumakwil.
Ang pagtangging nakita noon, Ay humantong sa wakas; At ang huling pagkawasak Ay babagsak sa kanila.
Huling Taludtod — Ang Panawagan
Sinumang bumabasa ngayon, Unawain ang babala; Ang huling pagsubok sa puso'y Maghahayag ng pag-ibig.
Manatiling tapat sa Diyos, Ingatan ang pinabanal; Nakatayo ang kasuklamsuklam— Tatayo ka ba sa kautusan?
Huling Koro
Masdan at unawain, Kapag nakita ang tanda; Talikuran ang mali't sala, Maging tapat at totoo.
Sundin ang tinig ng Diyos, Manatiling matatag; Upang ikaw ay makatayo Kapag nawasak ang mundo.
Reacties
0Wees de eerste die een reactie plaatst
Meld je nu aan en word lid van de Three Angels Hymn & Praise community!