24 Oras Podcast
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, June 30, 2026. * Ilang raliyista at mga pulis, nagkagirian; may pulis na sinapak at pulis na naipit ng bus na dumikit sa barrier ng busway * Iglesia Ni Cristo, tutol sa pagsasampa ng kasong plunder laban sa miyembro nilang si Sen. Marcoleta dahil hindi umano makatarungan * Mga nag-rally sa EDSA, walang permit; umabot sa 15,500 (as of 6PM) * Sen. Marcoleta: Gusto nila ako ikulong para pigilan ang imbestigasyon sa flood control scam at para pigilan akong lumahok sa impeachment trial ng bise * Ilang senador at kongresista, dumalo sa rally * Ombudsman Remulla: ‘Di pinag-iinitan si Marcoleta; walang utos na hanapan siya ng kaso * Fictional P-POP girl group na 'Yumi', unstoppable ang pagsikat sa 'Born to Shine' * Minor phreatomagmatic eruption, naitala ng PHIVOLCS sa Taal Volcano * Mga lakad ni PBBM sa Maynila, kinansela kasunod ng surprise rally; seguridad sa Malacañang, hinigpitan * Mga testimonya ni ex-DPWH Sec. Bonoan, gagamitin ng Ombudsman sa binubuong kaso vs. Rep. Martin Romualdez kaugnay ng 2025 budget * Pakiusap ng pulis sa mga nagprotesta na i-clear ang EDSA, naging mitsa ng tensyon * Mga paghahanda sa Impeachment Court, ininspeksyon ni Senate Pres. Gatchalian * Heart Evangelista, na-ospital;maayos na aniya ang kidneys * Trapiko sa North at South bound lane ng EDSA, apektado ng protesta; ilang biyahe, naantala * Seguridad sa paligid ng Malacañang, hinigpitan sa gitna ng mga rally kabilang sa Liwasang Bonifacio * Kubo, tinangay sa gitna ng malakas na ulan at ragasa ng ilog; may-ari na senior citizen, nawawala * PAGASA: Namataang LPA sa coastal waters ng Gasan, Marinduque, mataas pa rin ang tsansang maging bagyo at papangalanang "Henry" * Vice President Sara Duterte, iniugnay sa aniya'y "poor governance" ng administrasyong Marcos ang rally ngayong araw sa EDSA * Usec. Castro: Hindi puwedeng magturo si VP Duterte dahil 'di nag-imbestiga noon ang Duterte admin sa flood control projects * P85/day minimum wage hike sa NCR, hahatiin sa 2 bagsak (P60 sa July 2026; P25 sa Jan 2027) * Hustisya para sa nasawing si Chris Lorenz Fabian, panawagan hanggang sa ilibing siya ng pamilya * Update sa imbestigasyon ng CIDG, ipinarating sa pulong nila at pamilya Baterbonia sa Crame * 'The Master Cutter', umeere na rin sa 'Heart of Asia' at 'I Heart Movies' bukod sa GMA at GTV ---------------------------------------- Hosted on Acast. See acast.com/privacy [https://acast.com/privacy] for more information.
374 episodes
Comments
0Be the first to comment
Sign up now and become a member of the 24 Oras Podcast community!