
Barangay Love Stories
Podcast by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Start 7 days free trial
99,00 kr. / month after trial.Cancel anytime.
All episodes
507 episodes
Scammer ang mag-asawang si Brando at Jeny. Marami na silang naloko at malaki na rin ang kinikita nila rito. Pero nang tamaan ng konsensya si Jeny, napagdesisyunan na nilang magbago. Itutuwid na raw nila ang baluktot nilang pamumuhay, babalik na sila sa probinsya para makasama ang kanilang unica hija. Kaso hindi ganoon kadali magbago, nami-miss pa rin nila ang buhay sa Maynila. Gusto sana nilang magsimula ulit kaso hindi talaga siguro nakakalimot ang karma. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.

Ang katotohanan ang magbibigay sa'yo ng kapayapaan pero minsan ito rin ang dahilan para maiwan kang mag-isa at luhaan. Pakinggan ang kwento ni Edmon sa Barangay Love Stories.

Huwag kang choosy sa mga bagay na libre. Pwede mo naman itong tanggihan pero huwag na huwag mo itong pipintasan. Pakinggan ang kwento ni Laida sa Barangay Love Stories.

Normal na siguro sa magkakapatid ang paminsan-minsan na pag-aaway pero kung palaaway pa rin ang isa kahit tumanda na, parang may problema na ata. Mula pagkabata, mapang-asar at mapagkumpara na talaga si Natalie. Buti na lamang ay mapagpasensiya sina Oliver at Shanel. Sa tatlong magkakapatid, si Natalie lang ang ayaw mag-ambag sa kanilang tahanan. Hindi naman sana isyu iyon pero masyado niyang kinakalaban ang lahat dahil sa kagustuhan niyang umangat. Pakinggan ang kwento ni Shanel sa Barangay Love Stories.

Huwag mangbintang ng isang tao kung walang pruweba na kongkreto. Isipin muna ang mga sasabihin para ang kapwa'y 'di malagay sa alanganin. Pakinggan ang kwento ni Joy sa Barangay Love Stories.
Start 7 days free trial
99,00 kr. / month after trial.Cancel anytime.
Exclusive podcasts
Ad free
Non-Podimo podcasts
Audiobooks
20 hours / month