Three Angels Hymn & Praise
Watch and Understand the Sign Tagalog Adaptation by Zeres Vitto © 2026 Zeres Vitto. All rights reserved. Masdan at Unawain ang Tanda {Taludtod 1} Noo’y lumuha si Kristo Pagtanaw sa Jerusalem, Pagkat araw ay darating Na mawawasak ang lungsod. Ang hukbong Romano'y dumating, Ngunit biglang umurong din; Nakita ng tapat ang tanda At tumakas sa dilim. {Koro} Masda’t unawain ang tanda, Saliksikin ang Biblia; Subukin bawat tinig at aral Sa sinabi ng Panginoon. Mga kaharian ay lilipas, Ngunit Salita Niya'y tiyak; Panghawakan ang pananalig, At itanghal ang Pangalan Niya. {Taludtod 2} Lumipas ang mga taon, Ngunit naiwan ang babala; May panawagang muling dumating, May pagsubok na nagsimula. Noong labingwalong walumpu't walo, May batas na ipangilin ang Linggo; Di man naipasa, nag-iwan ng tanda Na ito ay muling babalik. {Koro} Masda’t unawain ang tanda, Saliksikin ang Biblia; Subukin bawat tinig at aral Sa sinabi ng Panginoon. Mga kaharian ay lilipas, Ngunit Salita Niya'y tiyak; Panghawakan ang pananalig, At itanghal ang Pangalan Niya. {Taludtod 3} Si Leo'y nagsalita noon Ng mga bagong bagay raw; Sa gitna ng hirap at pagod, May panawagan sa paggawa. Araw ng pahinga'y muling hinimok Para sa tao at tahanan; Ngunit tanong pa rin ng hula: Kaninong utos tayo'y sasandig? {Taludtod 4} May isang ang pangalan ay Leo rin, Na nagbabalik ng nakaraan; Kabutihang panlahat at humanidad Ay narinig noon at ngayon muli. Kapayapaa’t pagkakaisa, Na may gabay ng teknolohiya; Ngunit ang mga tapat na bantay Ay naaaninaw ang tanda. {Koro} Masda’t unawain ang tanda, Saliksikin ang Biblia; Subukin bawat tinig at aral Sa sinabi ng Panginoon. Mga kaharian ay lilipas, Ngunit Salita Niya'y tiyak; Panghawakan ang pananalig, At itanghal ang Pangalan Niya. {Tulay} Ibinigay ang Sabbath sa Eden, Nang wala pang piniling bayan; Pinabanal at binasbasan ito Ng Panginoong Lumalang. Walang konseho, trono, o tao Na maaaring magbago nito; Ang banal Niyang kautusan pa rin Ang gabay ng mga banal. {Taludtod 5} Gaya ng pagkubkob ng Roma noon, Na bumalik upang wasakin; Darating sa mundo ang babala Bago sumiklab ang huling alitan. Ang isyu'y hindi lamang pahinga, Ni politika o pakinabang; Kundi pagpili sa sasambahin Pag konsensya'y pinipilit. {Huling Tulay} Ang unang pagsalakay ay may awa, Sa pangalawa'y bumagsak ang Jerusalem; Kaya ang hula'y nagsabi Ng pagsubok na darating. Ang mga tapat ay nakatakas, Dahil sinunod nila si Kristo; Ang mga tapat ay susunod rin, At tatayo sa katotohanan. {Huling Koro} Masda’t unawain ang tanda, Tumingala—ang Hari’y darating; Matakot at luwalhatiin ang Diyos, Oras ng paghuhusga na. Lumabas sa Babilonia, bayan Ko, Huwag magpadaya sa kanya; Sundan ang landas ng Kordero, At Kanyang tipan ay ingatan. {Wakas} Malapit nang mahawi ang ulap, At trumpeta'y maririnig; Mga kaharian ay lilipas, At si Kristo’y maghahari magpakailanman. Masda’t unawain ang tanda, Habang si Kristo’y nasa Templo pa; Si Jesus ay tumatawag ngayon— Makinig, magtapat, at sumunod. #tagaloghymns #presenttruth #prophecy #danielandRevelation #JesusSaves #everyone #watchandunderstandthesign #matthew24 #masdatunawainangtanda #zeresvitto
484 episodes
Comments
0Be the first to comment
Sign up now and become a member of the Three Angels Hymn & Praise community!