24 Oras Podcast: VP Sara Duterte skips second day of impeachment trial, Super Typhoon Bavi to strengthen Habagat, Jasmine Paolini ends Alex Eala's Wimbledon Round of 16 run
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, July 7, 2026.
* Videos ng banta ng bise na ipapapatay si PBBM, atbp, iniharap ng prosekusyon matapos ang mainit na debate
* VP Duterte, nagtungo sa Senado para makipagpulong sa defense team; hindi pa rin dumalo sa paglilitis
* Sen. Marcoleta, dinalaw ni VP Duterte sa PNP General Hospital
* Batang naglalaro ng saranggola, nalunod nang mahulog sa sirang bahagi ng riprap sa ilog
* Malakas na ulan at hangin, naranasan sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa thunderstorms
* Karakter ni Jak Roberto sa 'Taskforce Firewall', nabisto ang sikreto ng karakter ni Luis Hontiveros
* VP Duterte, balak na ipatawag bilang hostile witness ng House Prosecutors
* Tindera at katuwang nitong menor de edad, patay nang sagasaan ng oil tanker; 1 sugatan
* Sasakyan, tinangay umano ng nagrenta nito para ipangsundo ng balikbayan; 2 sa 3 suspek, huli
* Co-accused ni Sen. Marcoleta na si Aristotle Viray, nakakulong sa New QC Jail matapos maaresto kagabi
* Ex-Acting Senate Sgt.-at-Arms Aplasca, sinibak sa serbisyo ng Ombudsman
* Sarah Discaya at hepe ng finance section ng DPWH-Davao Occidental, pinayagang magpiyansa
* Antas ng pagmahal ng mga bilihin at serbisyo, bumagal nitong Hunyo (6.4%) vs. Mayo (6.8%)
* Suporta ng mga Pinoy, 'di humupa hanggang dulo ng labang Eala-Paolini; panalo ang huli (6-4, 4-6, 6-3)
* GMA Pictures film na 'Amir', pasok sa 2026 MMFF
* Depensa, inusisa kung paano natukoy ng testigong agent ang ipiniresentang dokumento; Prosekusyon — hawak niya ito kanina
* Super Bagyong Inday na papasok sa PAR, 'di magla-landfall pero magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa; palalakasin ang habagat
* Pagpapatigil sa Impeachment Trial, hiniling sa SC ng ilang abugadong kaalyado ng bise
* Bugaw umano sa motel, arestado; 4 menor de edad at 11 iba pa, sinagip
* Prosekusyon, masayang naiharap ang testigo at ang video ng banta umano ng bise kay Pangulong Marcos
* Revelations at twists sa kuwento ng 'You're my Favorite Song", kaabang-abang
* Reservoir wall, bumigay dahil sa rain volume; 2 buhawi, kumitil sa buhay ng 'di bababa sa 8
* Venezuela twin quake death toll, umabot na sa 3,535; tinututukan ang tulong sa halos 18,000 residenteng nawalan ng tirahan
* Defense Team: Hindi nag-walk out ang lead counsel ni VP Duterte
----------------------------------------
Hosted on Acast. See acast.com/privacy [https://acast.com/privacy] for more information.