
Englisch
Gratis en Podimo
Starte jetzt und verbinde dich mit deinen Lieblingspodcaster*innen
Mehr Tagalog Spoken Poetry
Tagalog spoken words made by Riel
Minahal para palayain
Ngayon alam ko na Alam ko na hindi lahat ng bagay ay mananatili at magtatagal Hindi lahat ay maari kong ikipkip sa aking mga palad para ipag damot sa mundo Dahil ang iba ay dumating lang para dumaan Dumaan para magbigay ng konting saya, ng konting kilig, ng konting dilig sa buhay mong pakiramdam mo’y nanuyot na Dumaan para mag silbing alalay sa mga panahon na ayaw mo na Dumaan para bigyan ka ng pag-asa na maniwala muli na pwede pa Pwede kang mag mahal uli Yun nga lang, dumating lang sila para dumaan Kung kayat kahit gaano man kahigpit ang iyong mga hawak Ay walang tamang timpla ng halik o yakap Ang makakapigil sa mga yapak na papalayo lagi ang tapak Pero bakit? Bakit pa sila dumating para lang dumaan? Bakit pa sila nagpakilala kung kakalimutan lamang? Bakit? Marahil, siguro, para doon lang sila Sa mga sandali, saglit, at pansamantala Para sa mga iilang kabanata Para sa iilang pahina Hanggang doon lamang sila Ngunit gayunpaman Ay masaya ako Dahil ngayon ay alam ko na.. Alam ko na na may dumating lang para dumaan Dumaan hindi para ikipkip sa aking palad at ipagdamot sa mundo Dahil dumaan sila para mahalin ko Mahalin ng pansamantala At palayain ng pang matagalan Music: Bensound.com/free-music-for-videos [http://bensound.com/free-music-for-videos] License code: LLPR18QB3CQ94PRR Artist: : Benjamin Tissot
Pramis, hindi ako stalker
Music by: Bensound.com/royalty-free-music [http://bensound.com/royalty-free-music] License code: WSAE4PLGNUQIMNJQ Artist: : Benjamin Tissot
Sirang plaka
A Filipino take on Phil Kaye's poem, Repetition
Kumusta ang puso mo
Minsan akong tinanong “kumusta ang puso mo?” Hindi ko naulinigan ang mga talata pero napatigil ako ng hindi ko sinasadya “Kumusta ang puso mo?” ang ulit niya huminga ako ng malalim at hinahanap ang tamang salita kombinasyon ng mga letra habang nakatitig sa araw na siyang paidlip na “Ito patuloy na tumatanda” ang tugon ko Napatingin siya sa akin Kung kayat nagsimula akong ikwento ka, ang dating tayo, ang kwento nating dalawa, at kung gano katagal na kitang patuloy na minamahal… “Ito patuloy na tumatanda”
Higit
Patawad Patawad kung ang hilig kong tingnan ang mga bagay ng higit sa kung ano sila Katulad na lamang ng isang tilas na ang tingin ko ay paru parong dumapo sa sanga o isang rosas na sa paningin ko ay natagpuan ko sa malawak na hardin o ang mga salita na hindi lamang sila titik sa aking pandinig, kundi mga himno na yumayapos sa akin tuwing gabi Kaya patawarin mo ako dahil sa tuwing titingnan kita ay hindi ko nakikita ang ikaw nakikita ko ang pagibig ang tayo ang bukas Patawad