Tagalog Spoken Poetry

Higit

47 s · 26. Juni 202147 s
Episode Higit Cover

Beschreibung

Patawad Patawad kung ang hilig kong tingnan ang mga bagay ng higit sa kung ano sila Katulad na lamang ng isang tilas na ang tingin ko ay paru parong dumapo sa sanga o isang rosas na sa paningin ko ay natagpuan ko sa malawak na hardin o ang mga salita na hindi lamang sila titik sa aking pandinig, kundi mga himno na yumayapos sa akin tuwing gabi Kaya patawarin mo ako dahil sa tuwing titingnan kita ay hindi ko nakikita ang ikaw nakikita ko ang pagibig ang tayo ang bukas Patawad

Kommentare

0

Sei die erste Person, die kommentiert

Melde dich jetzt an und werde Teil der Tagalog Spoken Poetry-Community!

Kostenlos hören bei Podimo

Starte jetzt und verbinde dich mit deinen Lieblingspodcaster*innen

  • Vertraut von über 1 Mio. deutschen Hörer*innen
  • Über 1.000 lokale Podcasts und Shows – nur bei Podimo
  • Keine Zahlung nötig

Alle Folgen

8 Folgen

Episode Minahal para palayain Cover

Minahal para palayain

Ngayon alam ko na Alam ko na hindi lahat ng bagay ay mananatili at magtatagal Hindi lahat ay maari kong ikipkip sa aking mga palad para ipag damot sa mundo Dahil ang iba ay dumating lang para dumaan Dumaan para magbigay ng konting saya, ng konting kilig, ng konting dilig sa buhay mong pakiramdam mo’y nanuyot na Dumaan para mag silbing alalay sa mga panahon na ayaw mo na Dumaan para bigyan ka ng pag-asa na maniwala muli na pwede pa Pwede kang mag mahal uli Yun nga lang, dumating lang sila para dumaan Kung kayat kahit gaano man kahigpit ang iyong mga hawak Ay walang tamang timpla ng halik o yakap Ang makakapigil sa mga yapak na papalayo lagi ang tapak Pero bakit? Bakit pa sila dumating para lang dumaan? Bakit pa sila nagpakilala kung kakalimutan lamang? Bakit? Marahil, siguro, para doon lang sila Sa mga sandali, saglit, at pansamantala Para sa mga iilang kabanata Para sa iilang pahina Hanggang doon lamang sila Ngunit gayunpaman Ay masaya ako Dahil ngayon ay alam ko na.. Alam ko na na may dumating lang para dumaan Dumaan hindi para ikipkip sa aking palad at ipagdamot sa mundo Dahil dumaan sila para mahalin ko Mahalin ng pansamantala At palayain ng pang matagalan Music: Bensound.com/free-music-for-videos [http://bensound.com/free-music-for-videos] License code: LLPR18QB3CQ94PRR Artist: : Benjamin Tissot

💜11. Okt. 20251 min